
Another chapter is about to unfold...
Huhuhu...
a song from EminemThese past few days I can't stop thinking of you. Halos 2 am na ko nakakatulog dahil dinagdagan mo pa ang mga bumabagabag sa kin. What can I do? Everytime I think of you I'm hurting.
Ang drama no. pero kung isusulat ko ang mga oras at pagkakataon na naaalala kita nitong mga nakaraang araw, kulang ang isang ream ng paper! (Ay, ate! exaggerated naman masyado!) minsan nga tulog na ko napapanaginipan pa rin kita. Masarap mag-reminisce pero laging kasama nun yung sakit. Hindi ko sila mapaghiwalay.
Nasasaktan ako dahil hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit kelangan nang matapos ng inuumpisahan pa lang natin. May mga nagsasabi na maswerte pa daw ako dahil alam kong hindi ako yung problema o dahilan. Pero, parehas lang yun e. Kasing malas lang din yun ng hindi ko alam kung nakanino ang problema. Bigla ka na lang kasing nanahimik hanggang sa tuluyan ka nang lumayo. Hindi ko talaga alam kung maniniwala ko sa dahilan mo. Yun ang mas masakit. Di man lang tayo nakapag-usap. Ang dami kong mga tanong. I tried reaching out pero walang nangyari.
Until now I'm still hoping that the time would come when we could finally sit down and talk about what happened. Ten minutes would be so much. I just want to ask you a few things. Maybe then I could finally move on and accept things as they are. Until then, lagi pa rin akong masasaktan kapag naiiisip ko "tayo". Tyao na hindi naman naging at magiging.
Pero sa lagay ngayon, mukhang ang hihintayin ko ay yung time na manhid na ko sa sakit at wala na kong mararamdaman.